Home Entertainment Babae, Umani ng Batikos Matapos i-Prank ang Jollibee Crew at Umorder ng...

Babae, Umani ng Batikos Matapos i-Prank ang Jollibee Crew at Umorder ng “Crispy Towel”

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang viral na ‘Jollitowel.’ Isang customer ng sikat na fastfood chain na Jollibee ang nagreklamo. Nag-order siya ng Chickenjoy, ngunit imbes na manok ay pritong towel ang natanggap niya! Umabot pa ang isyu sa national television matapos mag-reklamo ang customer kay Raffy Tulfo.

Sa kasagsagan ng isyu, hati rin ang opinyon ng mga netizens. Mayroong naniniwala na dapat ay managot ang management sa insidenteng ito, at ang karamihan naman ay nag-offer rin ng simpatya sa kumpanya. Sa kabilang banda, may mga taong mas piniling gawing biro ang kontrobersyang ito.

Read Also: Dating Goin’ Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Isa na sa kanila ang TikTok user na kinilalang si ‘Lollipop Queen.’ Umani ng batikos ang video nito na tila ba pinagti-tripan ng babae ang isang Jollibee crew.

Matapos niyang gawin ang prank na ito, ishinare niya pa sa social media ang video, kaya naman umani siya ng maanghang na comments mula sa mga netizens.

Sa maikling clip, makikita na nasa drive thru ang babae kasama ang isang lalaking nagda-drive. Maya-maya pa, nilapitan sila ng isang lalaking crew at tinanong ang kanilang order.

Natatawa namang sumagot ang babae at pinagpilitang ‘crispy towel’ ang order niya. Mababakas naman sa mukha ng crew na nalilito ito sa order ng customer.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang prank na ito. Ayon sa kanila, hindi dapat pagtripan ang mga crew lalo pa’t ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Bukod pa dito, kahit pa nagkamali ang isang branch ng Jollibee, hindi ibig sabihin noon ay dapat nang i-bash ang lahat ng kanilang masisipag na workers.

Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“Unfollow na dapat yan, di man lang naawa sa crew na nagpapakahirap tapos pagti-tripan niya lang!”

“Kawawa naman si kuya. Di nila deserve ang ganitong treatment. Bili ka ng manners ate.”

“Gusto rin ata magpasikat ni ate! Dapat dyan binaban sa lahat ng Jollibe stores para madala.”

Read More: Sunshine, Laking Pasasalamat Dahil Close si Diego Loyzaga sa mga Step-Sisters Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.