Home Entertainment Isabelle Daza, Umani Ng Sari-Saring Reaksyon Mula Sa Netizens Matapos Ipost Ang...

Isabelle Daza, Umani Ng Sari-Saring Reaksyon Mula Sa Netizens Matapos Ipost Ang Bagay Na Ito Sa Social Media

Viral ngayon ang aktres na si Isabelle Daza matapos niyang ibahagi ang ngayong burado nang larawan niya kasama ang asawang si Adrien Semblat dahil sa di umano’y napaka “elitista” na konteksto nitp.

Suot-suot ang sumbreroo na may nakalagay na “Vaccinated By Pzifer”, inatake ng netizens ang aktres matapos nilang ipaliwanag na tila masyadong mayabang at insensitive ang kaniyang post para sa kaniyang mga followers na walang kakayahan na magpabakuna, kahit ng Sinoac.

Kasalukuyan na nasa Singapore ang mag-asawa, kung saan may access sila ng American-made na bakuna.

Sa Hongkong, malaya na mamili ang mga mamamayan ng kanilang bakuna.

Samantalang sa Pilipinas ay mabagal pa rin ang pagkasa ng malawakang pagbabakuna, at may kamahalan ito.

Isa pang pinupunto ng mga netizens ay ang napaka mahal na sumbrero ng mag-asawa na gawa ng Solo Club, isang community-building app na naglalayong as palawigin ang karunungan sa bakuna.

Ang mga sumbrero, na nagkakahalaga ng $ 49.99 bawat isa, ay pinagsama ng club upang makalikom ng pondo upang labanan ang mapanirang sitwasyon ng COVID-19 sa India. Dalawang mga islogan ang kasalukuyang magagamit: “Nabakunahan ng Pfizer,” at “Nabakunahan ni Moderna.” Inilarawan sila ng Solo Club bilang “a hat to declare your freedom,” na umaasang mapasigla ang suporta tungkol sa pagbabakuna.

Sa kabila ng magandang intensyon ng Solo Club at ng inosenteng pagbabahagi ng aktres, hindi pa rin nagustuhan ng karamihan ang kaniyang post.

Sinasabing masyadong “tone-deaf” at “tacky” ang ginawang post ni Isabelle at maaari pang maging sanhi ng pagiging mapili ng mga Pilipino sa mga tatak ng bakuna. Hindi tulad ng Hong Kong, ang mga sentro ng pagbabakuna ng LGU sa Pilipinas ay hindi pinapayagan ang mga nasasakupang pumili ng kanilang ginustong tatak ng bakuna. Tinawag ng mga netizens ang post ni Isabelle na “elitist” at “privileged,” dahil karamihan sa kaniyang mga followeers ay mga Pinoy din.

What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section and let us have some discussions!