Home Entertainment Sa gitna ng kontrobersiya, Jon Gutierrez pina-tattoo ang mata ni Jelai Andres...

Sa gitna ng kontrobersiya, Jon Gutierrez pina-tattoo ang mata ni Jelai Andres sa kanyang binti

Jon Gutierrez hindi tumitigil sa pagsuyo sa kanyang misis na si Jelai Andres.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging mainit na usapin sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Jon at Jelai.

Napabalita kasi na muli na namang nahuli ni Jelai ang asawang si Jon na may bagong babae na naman.

\\

Kung matatandaan, unang naging dahilan ng kanilang hiwalayan noon ay ang pangbabae ni Jon.

Bago sila ikasal noong 2018 ay nahuli na niya ito at natukoy na ang babae ni Jon ng mga panahon na iyon ay si Toni Fowler.

Naulit namang muli ito noong 2019, at tuluyan na ngang naghiwalay sina Jon at Jelai.

Hindi na sila nagsama sa iisang bubong at lumayo na sa isa’t-isa.

Pero hindi tumigil sa panunuyo si Jon sa kanyang misis, muli niya itong niligawan at pinapaibig.

Gumawa pa nga siya ng kanta para sa asawa, at doon ay muling nagkamabutihan sila.

Muling nagkasama ang JoLai sa mga vlogs, at pati na din sa ilang programa sa Kapuso Network.

Di pa man sila nagsasamang muli sa isang bahay ay naging magkaibigan at maayos na uli ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.

Inabangan na nga ng kanilang mga fans ang kanilang muling pagbabalikan.

Ngunit hindi ito natuloy at tila nasira na ng tuluyan ang kanilang relasyon.

Ito ay nang mahuli nanamang muli ni Jelai na may bagong babae na namang kinalolokohan ang kanyang mister.

Nagdesisyon na nga si Jelai na magsampa ng kaso laban kay Jon at nais niya ng ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Ngunit gayunpaman, hindi tumitigil si Jon ng panunuyo sa kanyang misis.

Kamakailan nga lang ay ipina-tattoo ni King Badger ang mata ni Jelai sa kanyang binti.

Upang mapatunayan na handa na siyang magbago at si Jelai lamang ang kanyang mahal.

Tingin ninyo rurupok ba ulit si Jelai dito?