Home Entertainment Angel Locsin, Balik Alindog na! Ibinahagi ang Simula ng Kanyang Fitness Journey

Angel Locsin, Balik Alindog na! Ibinahagi ang Simula ng Kanyang Fitness Journey

Isa sa mga pinaka-common na new year’s resolution ay ang pagda-diet. Ngayong taon, mukhang health muna ang priority ng aktres na si Angel Locsin. Nitong mga nakaraang taon, pansin ng mga fans ang pagbabago sa katawan ni Angel Locsin. Ayon sa mga reports, nadagdagan ang timbang ng Kapamilya actress dahil sa steroids na tine-take nito para sa kanyang back pain.

Kaya naman para na rin sa kanyang kalusugan, nagdesisyon ang aktres na baguhin na ang kanyang lifestyle, simula sa kanyang eating habits.

Kamakailan lang, ibinahagi niya na sisimulan na niya ang kanyang journey upang mas maging healthy. Isa sa mga priority niya ay ang pagre-regulate ng kanyang mga kinakain sa pang-araw araw.

Read Also: Dating Goin’ Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Noong June 8, ibinahagi ni Angel sa kanyang mga fans ang simula ng kanyang fitness journey. Ilang taon rin daw ang lumipas bago siya nagbalik-loob dito: “I’m gonna record this because today is the first day of my Doctor Food Diet. After so many years, I finally decided to go back and try Dr. Food.”

Approved ng mga eksperto ang calorie-controlled diet program ni Angel. Imbes na pagbawalan ang sarili niyang kumain, pinipili niya lamang ang mga maaari niyang kainin in moderation.

Sa ganitong paraan, hindi rin mahihirapang mag-adjust ang kanyang katawan sa mga pagbabago sa kanyang diet.

“Mukha siyang konti because I’m on a 800-calorie diet and according to my nutritionist sa Aivee clinic din, yun yung kailangan to achieve my goal. So please bear with me and wish me good luck,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang suporta sa aktres. Talagang hindi madali ang pagda-diet, ngunit sa tulong ng disiplina at suporta ng mga tao sa paligid mo ay kaya mong ma-achieve ang iyong body goals.

Read More: Sunshine, Laking Pasasalamat Dahil Close si Diego Loyzaga sa mga Step-Sisters Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.