Home Entertainment Jose Manalo, May Relasyon Nga ba sa Isang Dating Miyembro ng EB...

Jose Manalo, May Relasyon Nga ba sa Isang Dating Miyembro ng EB Babes? Dancer, Nagsalita na!

Isa sa mga pinakasikat na hosts ng “Eat Bulaga” ay si Jose Manalo. Matagal ng bahagi ng noontime show si Jose, at mas sumikat pa ito sa segment na “All for Juan, Juan for All” kung saan kasama niya sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ngunit kahit pa isa siyang public figure, mas pinili ni Jose na gawing pribado ang personal na buhay niya.

Ilang taon na ring napapabalitang may bagong kinakasama ang “Eat Bulaga” host. Ayon sa ibang showbiz insiders, live-in partner na ngayon ni Jose ang isang dating miyembro ng EB Babes na si Mergene Maranan. Matagal nang nali-link ang host sa dating dancer na si Mergene, ngunit mas pinili ng dalawa na manahimik sa kabila ng mga kontrobesya.


\
Read Also: Gerald Anderson, Kinilig sa ‘Sweet Suprise’ ni Julia Barretto Para sa Kanyang Birthday!

Mas lalong kumalat ang mga usap-usapan nang makita si Mergene na kasama ng host sa grand opening ng bagong salon nito sa Fairview. Ayon pa sa iba, mukhang si Mergene na rin ang kinakasama ng host ngayon. Matatandaang ilang taon na ring hiwalay si Jose sa kanyang asawa.

Kamakailan lang ay may isang netizen ang nag-komento sa Instagram ni Mergene. Tinanong ito kung siya nga ba talaga ang bagong live-in partner ng host.

“Ang ganda sana ng sasabihin ko tungkol sayo pero dahil diyan, nag iba pananaw ko. Pinatunayan mo lang, matatapang talaga ang mga “k.” Di naman ako basher, nagtatanong lang ako, at dahil dyan, ipagpe-pray ko na lang ikaw! Sinagot mo ko ng pabastos,

ok fine! Anong pakiramdam ng tinatago, hahaha aray ko.”

Hindi ito idineny ni Mergene, bagay na mas lalong nagresulta sa intriga. Pinagsabihan niya rin ang basher na wag mangialam sa buhay ng iba. Sa isang comment, nagbanta rin si Mergene na ipapabasa niya kay Bossing Vic Sotto ang mga komento ng netizen na ito.

“Wag kasi makealam sa buhay ng may buhay. Ayusin mo muna buhay mo teh. Ano gusto mo sagot? Sino sa atin ang mga attitude? Pabasa ko to kay Bossing. Gusto mo sumikat? Nagpapasikat. Bakit ba kita nireplyan?”

Read also: Pauleen Luna, Ibinahagi ang Malubhang Sakit na Matagal na Niyang Itinatago

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.